Parang Picnic Lang

cadiz_spainKababalik ko lang sa barko from my 2-month long na bakasyon at eto na naman ako gumagala kasama ng ilan kong mga ka tropa – ka tropa sa kainan. Hindi ka tropa sa inuman ha dahil ZERO PERCENT ALCOHOL policy kami rito. In short bawal sa amin ang kahit anumang inumin na nakakalasing. Well, sa una medyo mahirap talagang isipin na sa buong kontrata ko na 6 months ay hindi ako pwedeng tumikim ng beer o whisky. Kaya naman nung nasa Pinas pa ako ay sinamantala ko na ang mga pagkakataong makapag inuman kasama mga pinsan at mga uncles ko.
Naglalawig pa lang ang barko ay walang ibang nasa isip naming halos sobra sa 400 crew na mga Pinoy ay ang makakain na naman sa paborito at binabalikbalikan na seafood restaurant sa puerto ng Cadiz, Spain. Halos lahat na mga tripulante ng barko particular na sa mga cruise ships na may mga crew na Pinoy, isa lang ang pinaka unang pinupuntahan pagkatapos ng trabaho – sa isang seafood restaurant lang na ito talaga. [Read more…]

Advertisements